Miyerkules, Oktubre 5, 2011

PNoy

Ni Alessandra Simeon

                Napanood ko sa TV Patrol na nasa ospital si Corazon Aquino, asawa ng dating pangulong Ninoy Aquino. Sinasabi ng ibang mamamayan na malapit na siya mamatay. Sa kasamaang palad, nagkatotoo ang kanilang sinabi. Simula palang ng pagkapangulo ni Ninoy, sikat at aktibo na ang pamilyang Aquino sa pulitika. Ang pagkamatay ni Corazon ang nag-udyok kay Noynoy, kanilang anak na lalaki, na tumakbo bilang pangulo ng Pilpinas para ipagpatuloy ang nasimulan na ng Pilipinas.
                Sa eleksyon ng 2010, tumakbo si Noynoy bilang presidente ng Pilipinas. Nakita ko sa telebisyon ang kanyang komersyal kung saan siya ay nakasuot ng dilaw na pantaas. Sa mga kalye naman, may mga nakadikit na poster para lalong makilala ng bayan kung sino nga ba talaga itong si Noynoy Aquino. Sa telebisyon, hindi lang siya ang may mga komersyal, pati na rin ang kanyang mga kalaban para sa nasabing pwesto. Ilan dito sina Manny Villar, Gilbert Teodoro, ang dating pangulo na si Joseph Estrada,  at iba pa. Sa lahat ng kanyang mga kalaban, aking napansin batay sa mga survey, si Villa rang isa sa mga may pinakamalalakas na hatak at impluwensya sa publiko. Sa kabila ng mga panghuhusga ng ilang Pilipino, nanalo pa rin sa eleksyon  at itinanghal na bagong pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino.
                Narinig ko mismo mula sa aking pamilya at mga kaibigan na nanalo lang si Noynoy dahil anak siya ng dating pangulo at sikat na sikat ang pamilyang Aquino. Ngunit sa kabila ng mapapait na salita ng aking mga kakilala, sa aking palagay, mukha namang ginagawa ni Noynoy ang kanyang tungkulin bilang presidente. Sa umpisa ng kanyang pagkapresidente, marami siyang mga minimithi, malalaman ang mga ito kapag pinanood o pinakinggan ang SONA. Sa tingin ko, maganda naman ang kanyang mga mithiin ngunit kulang ang mga Pilipino ng kooperasyon para maisakatuparan ang mga ito.
                Noong taong 2009, ang bagyong Onday ay tumama sa Pilipinas. Kabilang ako, pati na rin ang aking mga kaklase, sa mga naapektuhan ng bagyong ito. Marami itong kinuhang mga buhay at sinirang mga bahay. Itong pangyayaring ito ay tumatak sa utak ng mga Pilipino. Ang rinig ko sa balita ay gusto ni Noynoy ng zero casualty lalo na kapag may kalamidad. Maraming nagsasabi, kabilang na ako, na maganda raw ang kanyang inaasam ngunit gaya ng nasabi kanina, kulang tayo sa kooperasyon para maipatupad ito.
                Sa aking eskwelahan, ipapatupad na ang pagdagdag ng dalawa pang taon sa high school. Nakaramdam ako ng tuwa dahil hindi ko na ito maaabutan. Maganda nga ito dahil madaragdagan ng oras para magsanay ang mga bata para lalong humusay sa pakikipagsapalaran sa buhay ngunit hindi na ito praktikal. Gaya nga ng sabi ng aking mga kaibigan, ito ay aksaya lang sa pera. Sa halip na makakatapos na sila ng maaga at makakapagtrabaho ng maaga, mapaparami pa ang gastos sa pag-aaral. Kitang-kita na maraming tutol dito pero sa tingin ko, may dahilan naman si Noynoy kung bakit niya pinatupad ang bagong proyekto na ito.
                Isang araw sa aking buhay, nagkaroon kami ng debate ng aking mga kaibigan tungkol sa pagkapresidente ni Noynoy. Lahat ng nasabi sa salaysay na ito ay natalakay naming bilang isang grupo. Napag-usapan naming na sa kabila ng mga taong mapanghusga, sa aking palagay ay ginagawa naman ni Noynoy ang kanyang tungkulin bilang pangulo. Kailanga lang talaga ng mga Pilipino ng kooperasyon at tiwala sa presidente para tuluyang umunlad ang ating bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento