Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Pangatlong kasarian: tama ba o kamalian? (Nya Cagampan IV-2)

Isinulat ni: Nya Cagampan


   Matalim na nakatingin ang mga nakausling mata ni Dina sa isang di kapansin pansin na magsyota sa unibersidad na nakaupo sa sahig ng kalat na kulay berdeng-lupa na damo. Dito naisip ni Dina kung gaano kaswerte ang magsyota na iyon dahil tanggap sila ng buong buo ng siyudad at walang alitan na nagaganap sa pagkatao nila. "Sana ako rin ganun" napabigkas si Dina sa sarili habang pabalik na sa silid aralan na kanyang pinapasukan,. Pagkalapat ng libro sa mesa at pagkatapos magayos ng kwelyo ng kanyang bagong itaas na kasuotan, humarap si Dina sa lugar kung nasaan kayang kausapin ng masinsinan ang matagal na niyang minimithi na si Encarnacion na tinatawag sa piling palayaw na Batsy dahil sa kanyang maeskinitang korte at matinis na boses na kaparehas lang ng pisikal na anyo ng isang "bat" o di kaya'y isang paniking nakadungaw sa malalim na kweba na tulad niya'y patago ang buhay sa lahat ng nakakasalubong sa kanya. 

"Hi Batsy! Kamusta ka na?" 
"Maayos naman ako. Ikaw din, ano nang bago na nagaganap sa buhay mo?" 
"Wala naman. parati pa rin ako nagiisa tulad ng dati. gusto ko na ngang.." 
"Anong gusto mo din?"
"Wala. Wala akong gusto. Ikaw gusto ko! Joke lang. Haha. Kala mo naman batsy." 
"Haha pambihira ka talaga din. Hindi ka na talaga nagbago."
"Bakit? Masama ba?"
"Hindi, hindi sa ganun. Kala ko lang kasi nagbago ka na. Hindi pala. Buti nga para sayo yun e kasi kontento ka na sa buhay mo!" 

   Biglaang sumigaw ng malakas na kampana ang bell at ito ang nagsimbolo na tapos na ang heograpiya at susunod na ang theology. hindi na lumipat ng kwarto si Dina dahil parehas lang ang silid aralan na gagamitin habang naman si Batsy ay humiwalay sa kanyang upuan at tumabi sa Dinang nakatulala sa langit.

"Hoy dina! gumising ka nga sa panaginip mo! may sasabihin daw si mam pathupat sa klase." 

   Dumilat ang matang nakahukay ni Dina at nakinig sa panig ni mam Pathupat. "Class, kailangan ninyong maghanap ng isang theology partner na makakasama ninyo ng dalawang buong semesters. Pumili kayo ng taong kaya niyong makasama ng pangmatagalan. Yung taong kaya kayong pasayahin sa mga bagay na nagpapabigat sa inyong damdamin. maghanap kayo ng taong magdadala sa inyo ng sigla para magawa ang mga bagay bagay. Ngayon, bnibigyan ko na kayo ng oras para mamili kung sino ang magiging partner ninyo. go." 

   Sa isang iglap, nagkasalubong ang mga mata ni Dina at ni Batsy. Wala ng lumabas na salita para makumpirme kung sila na nga ba ang magpartner. alam nalang nila sa puso't isipan nila na sila na nga. Lumipas ang maraming buwan ng masagang sipag at tuluyang tiyaga na nagpalapit sa dalawang magkaklase. Ngunit, may isang araw nalang na biglang pumasok si batsy na may kahawak ng kamay na isang lalaking batak ang katawan at kasinggaspang ng alambre ang boses. natameme si Dina. hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Batsy sapagkat alam naman nilang dalawa na bawal magpalit ng partner kung nakapili ka na. pero, iba pala ang ang hiling ni batsy na mas malala pa sa digmaan ng Pilipinas at Espana. 
"Dina, pwede bang sumali muna si Ronald sa grupo natin? Bagong lipat lang kasi siya ng unibersidad kaya kung pwede, dito muna siya magtrabaho kasama tayo. Okay lang ba sayo? " 
"Oo", matamlay na pawalangbahala na sagot ni dina. 
"Tsaka nga pala Dina, pakilala kita. Ronald, si Dina, matalik kong kaibigan. Dina, si Ronald, kasintahan ko noong third year hayskul pa lamang kami." 

   At dito, gumuho ang langit sa mababaw na hinihiling ni Dina sa buhay. Hindi nagtagal at iniwan ni Batsy si Ronald para kay Dina. Nagusap sila ng masinsinan na nagdala ng mabigat na lumbay sa humihikbing puso ni Ronald. Samantalang nagtagal naman ang dalawang magkasintahan sa hirap at ginhawa hanggang dumating sila sa punto na gusto na nilang magpakasal. Dahil hindi pwede sa Pilipinas ang proposisyon eight, lumipat ng tirahan sila Dina sa Estados Unidos dahil pumayag na ang gobyerno ukol dito. Sa Manhattan ng New York City sila nagpakasal noong mayo 2011 na ikinagalak naman ng kaluluwa nila. Natuloy ang mahiwagang kasal at ngayo'y sila ay habang buhay magkasintahan nakatira sa isang paradisong puno ng kontentong emosyon. .  

   Tunay nga na magiting ang relasyon nila Dina dahil dito napamahala ang tunay na pagmamahal sa isang tao na nangibabaw sa lahat, lalong lalo na sa isyu ng kasarian. Hindi naman masama magmahal ng taong kauri mo eh, Basta mahal mo ng buong puso ang taong iyon, wala ng hihigit pa na mas makatwiran na rason para mabuhay ng masagana at mapayapa.          

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento