Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ondoy

Ni Angela Leyba

    Ondoy. Ang pangalan ng bagyong sumira sa madaming bahay at kagamitan ng mga Pilipino at kumitil sa buhay ng mga ibang mamamayan.
Dalawang taon na ang nakaraan noong maranasan natin ang bagyong Ketsana o mas kilala sa ngalan na Ondoy. Noong Setyembre 26, 2009 ang kasagsigan ng bagyong Ondoy. Ang ulan na ibinigay satin ng bagyong ito ay katumbas ng mga ulan na ating nararanasan sa loob ng isang buwan. Ito ay sinasabing ang pinaka malalang pagbaha ng Maynila sa loob ng 42 na taon. Madaming lugar ang naapektuhan at lubusang nabaha kabilang na dito ang Quezon City, Taytay Rizal, Marikina City, Ortigas Extension, Pasig City at iba pang parte ng Luzon. Ayon sa mga balitaan, mahigit 73 katao ang namatay at higit kumulang 300 000 tao naman ang nasiraan, binaha at nawalan ng tinitirhan.

Noong umaga ng Setyembre 26 at idineklarang walang pasok ay tuwang tuwa ang estudyanteng si Amanda. Akala niya ay normal na bagyo lamang ito at normal na suspensyon ng klases. Ngunit doon siya nagkamali. Sa bahay ay doon siya ay natulog buong umaga at naglaro lamang ng kanyang mga gadgets. Ipinagdasal pa niya na magpatuloy tuloy ang ulan sapagkat hindi niya inisip na mayroong iba mga nasalanta ng tuloy na tuloy na pagbuhos ng ulan.
Pagkaraan ng gabi ay hindi parin umuuwi ang kanyang mga magulang. Dahil walang pakialam sa nangyayari at hindi nanunuod ng mga balitaan ay walang kaalam alam si Amanda sa mga nangyayari sa labas ng kanyang kwarto. Tinawagan niya ng tinawagan ang kanyang mga magulang. Siya ay nahirapan sila makontact sapagkat madaming mga nawalan ng koneksyon at kabilang na doon ang opisina nila na nasa may bandang Maynila. Na-stranded pala ang kanyang magulang at hindi makalabas ng building ng opisina.
Napagtanto ni Amanda na nagkakagulo na at nagsimulang mag alala. Dahil ang kanilang bahay ay nasa mataas na lugar sa Mandaluyong ay wala silang pinsalang nadama. Binuksan niya ang telebisyon at nagulat sa mga pangyayaring nasaksihan; baha baha sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, madaming mga nawawala, merong mga namatay at ang ibang nakatira sa may bandang Marikina at Pasig ay wala nang matirhan at ang iba ay nasa taas na ng bubong ng kanilang mga bahay.
Kinabukasan ay nakauwi na ang kanyang magulang at ikinwento sa anak ang nangyari sakanila. Na-guilty siya sapagkat hindi niya inakalang ganoon ang mangyayari hindi lang sa kanyang magulang kundi pati sa mga sambayanag Pilipino.
Pagkaraan ng kasagsagan ng bagyo ay sumali si Amanda at ang kanyang magulang sa mga rescue missions ng RedCross at nag bahagi ng donasyon ang kanyang pamilya sa mga nasalanta. Natutunan ni Amanda ang iba’t ibang bagay sa buhay. Natutunan niyang magkaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa mundo, magdasal para sa ikabubuti ng lahat at tumulong sa mga taong nangagailangan ng tulong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento