Isinulat ni: Ariana Zialcita
"Ayan na naman, walang pasukan nanaman", sabi ko sa sarili ko noong ika-27 ng Septyembre. Nakakasawang puro walang klase dahil lang sa mga bagyo na bumibisita sa bansa natin buwan buwan at taon-taon. "Kailan kaya matatapos ang lahat ng mga kalamidad na nararanasan natin?" Dasal ako ng dasal na sana hindi talaga dumating ang bagyo noong araw na iyon. Miski mong sabihin na masayang isipin na hindi magkakaroon ng pasok sa susunod na araw, nakaklungkot naman ako tuwing naaalala ko ang mga naging biktima ng mga unang kalamidad. Parang kaka- Ondoy noong ika-dalawampu't anim noong 2009 tapos magkakaroon nanaman ng isa pang matinding bagyo itong parehas na buwan ng Septyembre.
At ito na nga. Dumating na nga ang matinding bagyo. Bigla nalang dumilim ang paligid at nagkakidlat. Sa unang oras ng bagyo, mahina muna ang ulan, hanggang sa mga sumusunod na minuto/oras ay lumalakas nalang bigla siya, pati ang hangin. Maraming bahay ay naputulan ng "internet" at kuryente ng ilang oras.
Nakakaawa tingnan ang mga kababayan natin na nasalanta ng Bagyong Pedring.Yung mga iba ay kung hindi naman namatay, naghihingi hanggang ngayon ng saklolo/tulong mula sa gobyerno, katulad ng mga nakatira sa probinsyang Bulacan. Ang baha doon ay hanggang sa ikalawang palapag katulad ng mga ibang lugar, katulad sa Siyudad ng Quezon, Rizal at Markina, noong nakaraang dalawang taon. Nakakatampo isipin na parang bumalik nanaman ang "Bagyong Ondoy" itong taon na ito. Gagastos nanaman ng marami ang gobyerno natin dahil winasak ni "Pedring" ang mga iba't ibang mga opisina, skwelahan, ang mga embahada katulad ng Embahada ng Estados Unidos, at ang mga hotel katulad ng Sofitel Philippine Plaza.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento