Isang araw nagkakagulo sa Evacuation Center sa Nueva Ecija dahil ang mga tao duon ay wala nang makain at marami naring taong nagkakasakit. Sinasabing ang dahilan kung bakit naruruon sila ay dahil sa mga bagyong dumaan sa kanilang lalawigan kabilang na ang dalawang malakas na bagyo na pinangalanang "Pedring" at "Quiel". Ang mga bagyong iyon ay sinasabing hindi lamang dumaan, pero sinira din ang kanilang tirahan at ang kanilang hanapbuhay. Itong mga trahedyang ito ay nangyari sa mga taong naroroon sa Nueva Ecija na hangang ngayun umaahon parin dahil sa hindi pangkaraniwang pangyayaring ito. Isa sa mga taong ito ay si Anna, isang batang babae na nakalikas bago pa tuluyang malubog sa tubig baha ang kanilang tinitirahan. Bagamat nakakalungkot man isipin ay hindi nakaligtas ang iba sa kanyang mga kapitbahay. Ang buhay ni Anna bago ang pangyayaring ito, si anna ay isa sa mga batang namumuhay nang tahimik sa Nueva Ecija at isa sa mga batang hindi inaasahan ang mga panyayaring na nagdulot nang kalunglutan o trauma sa buhay niya. Si Anna ay isa rin sa mga halimbawa nang mga nagdurusa dahil sa trahedyang ito at isang batang walang alam sa kung anung nangyayari sa paligid niya o innocente.
Ang mga bagyong ito ay nagdulot nang madaming kamalasan o di naman hindi inaasahang mga pangyayari. Iba't ibang tao ang nadadamay na nagreresulta sa kanilang paglisan sa tirahan nila. Pero may mga iba na hindi maiwan iwan ang kanilang mga bahay na nagreresulta sa conclusyon na, ang iba ay hindi sumasama sa pagpunta sa evacuation center nang lugar nila at naiiwan sila duon, na nagdudulot nang pahirapan sa pagsasalba nang buhay dahil hindi malaman nang magsasalba kung dapat ba silang isalba o hindi at iyon ay isang pagaaksaya nang oras nila para isalba ang mga taong talagang nangangailangan nang tulong o mga taong may kailangan nang tulong.
Ang evacuation center na iyon ay sinasabing isang ligtas na lugar na ginawa para sa mga di inaasahang pangyayari na kasangkot ang inang kalikasan. Marahil ayaw na nang mga tao doon, dahil sa kanilang kinalalagyan o ayaw na nila sa evacuation center dahil pinagsiksikan sila ruon, pero ito ay para narin sa ikakabuti nila. Kahit na alam natin na hindi ganoon kabuti ang situasyon nila duon pero alam naman nating o nila na ligtas sila at alam nang mga tutulong sa kanila na naruon sila at naghihintay nang tulong.
Sa mga panahong ito parang wala nang pag-asang may tutulong pa sa kanila pero kahit ganoon hindi parin sila sumusuko sa paghingi nang tulong dahil alam nilang may darating na tulong para sa kanila. Nagkaroon nang melagro, noong mga panahong iyon si Pangulong Benigno III ay nasa Japan para humingi nang tulong sa kanila. Ang Japan naman ay masayang tumulong sa Pilipinas at bibigyan si pangulong noynoy nang tatlong bilyong piso kahit na bumabagon parin sila dahil sa tsunaming nagdulot nang pagkawasak nang isa sa mga bayan nila. At nang makabalik naman siya ay kumilos kagad siya para matulungan ang mga ito.
Ang mga residente duon ay patuloy na bumabangon at sila ay hindi susuko sa mga pangyayari na iyon at ngayon ay nagpapasalamat na kahit papano may tutulong papala sa kanila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento