Linggo, Oktubre 9, 2011

Hagupit ni Ondoy

Ni Denise Carlos

Sinong mag aakalanasaisangidlaplamang ay madamingtahananangnawasak,  pagkasirangagrikultura, nawalanngtaongminamahan, at kung ano pa, sahindiinaasahangbagyonapinangalangananna “Ondoy”. Ito’ynagiwanngnapakalakingpinsalasaatingbansa. MadamingsinirasiOndoy, satelebisyon, dyaryo, at radyoito ay angkanilangbukambibig. Kahit san kamagpunta, may madadaanankang rescue team. Madamirinangnastrandedsakanilangpaaralan, mall, at kalsada. Ito ay nagdalangbahasamadaminglugarsaatingbansana nagging dahilanng traffic at pagsarangmgakalsada. Ito ay pinagkawalangbahalangmgatao at hindirinnapaghandaanngmgataosapagkathindiganonkalakasanangpagbuhosngulannito at pabugsobugsolamang. Hindi inakalangaapawngganon katas angtubig.Sinasabirinnilangnakadagdagsapagbahaangpaglabasngtubigsa dam. Mataposangkalamidadnaito, mas nagging alertoangmgatao at balitasamgapadating pa nabagongbagyo at iba pang kalamidad. Isinasagawanarinnilaangmaagangpag “eevacuate” paramaiwasannamangyariuliangmgapinsalangginawaniOndoy at paramapaghandaanng mas maaga.

Sabado, Oktubre 8, 2011

Overseas Filipino Workers





ni: Jamie Reyes      


Araw araw na lang palagi ko naririnig na may gulo sa Iraq, may away Sa Libya, at may problema sa Dubai. Wala nga akong naalala na gabi kung saan di binalita sa telebisyon ang tungkol sa mga kaganapan sa gitnang silangan. Palagi na lang nagkakagulo dun. Noong isang araw nga, may binalita na may mga kapwa Pilipino  akong  naipit sa gulo sa Libya. Bakit kaya? Hindi naman sila taga roon. Kung bakit naman kasi ang dami daming Pilipino ang nagtratrabaho roon.

                May kaibigan ako na nagsabi na sa pagtatapos niya sa kolehiyo, gusto niya na makapunta sa ibang bansa. Gusto niya magtrabaho, makapag- asawa at magtaguyod ng pamilya sa bansang Dubai. Sinabi niya na napakaganda daw ng pamumuhay ng mga tao roon. Maganda at moderno ang teknolohiya, maayos ang pamumuhay at higit sa lahat mura ang gasolina. Ang sarap nga siguro makarating doon. Pero sa aking pagtataka, hindi lang siya ang nagnanais nito. Marami din akong kaibigan na gusto magtrabaho sa ibang bansa. Hindi ba pumapasok sa kanilang isip na dito na lang magtrabaho sa Pilipinas?


                Kung titignan  napakararaming Pilipino ang nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa. Ayon sa kanila mas marami daw na opurtunidad ang nag-iintay sa kanila sa labas ng bansa. Mas malaki daw ang sweldo, mas maganda ang benepisyo at mas magandang simula ang nag-iintay sa isang tao kapag ito ay nakapagtrabaho sa labas ng bansa. Sa katunayan ito ay totoo. Hindi maikakaila na usong uso ngayon ito. Ang mga nakapagtapos dito ng kanilang pag-aaral ay nanaisin na lumabas ng bansa kaysa manirahan dito at makapaglingkod sa bansa.
              
    Ayon sa mga pag-aaral mas madami ngang Pilipino ang gustong lumabas ng bansa pagkatapos nila mag- aral. Kahit nga highschool graduate ay nag-aapply para magtrabaho sa ibang bansa upang maging domestic helper o di kaya construction worker. Baka nga kung titignan natin ang mga pagkaraniwang Pilipino, halos lahat siguro sa kanila ay may kamag- anak na sa ibang bansa nagtratrabaho. Halos lahat talaga mas gusto sa ibang bansa. Hindi ko din naman sila masisi. Magulo kasi ngayon sa ating Inang Bayan. Ang ating ekonomiya ay patuloy na bumababa. Pakonti konti lang ang pag-akyat sa asenso kung ikukumpara sa mga katabing bansa. At, samahan pa ito ng walang katapusang korupsyon sa pamahalaan. Dadating pa kaya ang araw kung saan kapantay na ng Pilipinas ang bansang Amerika, o di kaya ay Japan?

Napakataas ng porsyento ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang nangangarap na mangibang bansa. Kasama dito ang mga magagaling na doktor at nars, matiyatiyagang titser, at mararangal na manggagawa. Kung lahat ng mga ito, ay pipiliin na mangibang bayan, paano kaya ang Pilipinas sa hinaharap?

Ito ang mga bagay na pumasok sa aking isip habang pinapanood ko ang balita para sa gabing ito. Tunay ngang napakaraming Pilipino ang nagnanais na lumabas ng bansa, kahit na delikado roon. Kung iisipin nga mas mapanganib pa sa ibang bansang progresibo kaysa sa Pilipinas, kasi naman dito ang mga kababayan natin madaling kausap at natural na mabait, kaysa sa mga Puti o Arabo na napakatigas ng ulo. Grabe talaga mga Pilipino, titiisin lahat para sa pamilya. Sino ba naman kasi ang gustong makita ang pamilyang naghihirap kung kaya naman magkaroon ng mas maginahawang buhay? Kaya naman ngayon,  magsisimula na akong baguhin ang sitwasyon. Di ko pa alam kung ano ang aking gagawin basta alam kong iisip ako ng paraan upang mahikayat ang ating mga kababayan na manatili muna dito, para sabay sabay natin i-angat ang Pilipinas sa kahirapan. 

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Meron pang iba?

Isinulat ni: Ariana Zialcita     

       "Ayan na naman, walang pasukan nanaman", sabi ko sa sarili ko noong ika-27 ng Septyembre. Nakakasawang puro walang klase dahil lang sa mga bagyo na bumibisita sa bansa natin buwan buwan at taon-taon. "Kailan kaya matatapos ang lahat ng mga kalamidad na nararanasan natin?" Dasal ako ng dasal na sana hindi talaga dumating ang bagyo noong araw na iyon. Miski mong sabihin na masayang isipin na hindi magkakaroon ng pasok sa susunod na araw, nakaklungkot naman ako tuwing naaalala ko ang mga naging biktima ng mga unang kalamidad. Parang kaka- Ondoy noong ika-dalawampu't anim noong 2009 tapos magkakaroon nanaman ng isa pang matinding bagyo itong parehas na buwan ng Septyembre.

       At ito na nga. Dumating na nga ang matinding bagyo. Bigla nalang dumilim ang paligid at nagkakidlat. Sa unang oras ng bagyo, mahina muna ang ulan, hanggang sa mga sumusunod na minuto/oras ay lumalakas nalang bigla siya, pati ang hangin. Maraming bahay ay naputulan ng "internet" at kuryente ng ilang oras.

       Nakakaawa tingnan ang mga kababayan natin na nasalanta ng Bagyong Pedring.Yung mga iba ay kung hindi naman namatay, naghihingi hanggang ngayon ng saklolo/tulong mula sa gobyerno, katulad ng mga nakatira sa probinsyang Bulacan. Ang baha doon ay hanggang sa ikalawang palapag katulad ng mga ibang lugar, katulad sa Siyudad ng Quezon, Rizal at Markina, noong nakaraang dalawang taon. Nakakatampo isipin na parang bumalik nanaman ang "Bagyong Ondoy" itong taon na ito. Gagastos nanaman ng marami ang gobyerno natin dahil winasak ni "Pedring" ang mga iba't ibang mga opisina, skwelahan, ang mga embahada katulad ng Embahada ng Estados Unidos, at ang mga hotel katulad ng Sofitel Philippine Plaza.

MJ


(Michael Jackson)
By: Nerrisa Montiero
          Si Mj ang nagging pinakamaipluemsyang mangaawit noong panahon niya. Lahat halos ng tao na nabubuhay noong kanyang panahon ay kilala siya. Nagtamo siya ng mga parangal na nagpapatunay kung gaano siya kagaling. Mula ng kanyang pagkabata ay siya na’y umaawit. Siya ay kasama sa groupo na itinatawag na “Jackson 5” ito ay binubuo ng kanilang magkakapatid at siya, ngunit siya ay ang pinakasumikat sa kanilang magkakapatid at siya rin pala ang pinakabata sa kanilang magkakapatid. Ng magtagal ay nabuag ang kanilang groupo ngunit siya ay kumakanta pa rin. Dito ay mas lalo siyang nakilala sa larangan na pagkanta. Mas nagging popular siya sa mga tao sa buong mundo. Siya ang tinagurian na isa sa pinakamagaling kumanta sa kanyang panahon at ditto rin ay kumita siya ng maraming pera. Nagkaroon siya ng maraming “album” at halos nabenta niya ang lahat. At nagustuhan ito ng mga tao. Hindi na mabilang ang mga tao na humahanga sa kanya. Siya halos ang nagpauso ng iba’t-ibang kanta ngayon na naririnig natin.
          Para sakin ang pagkamatay ni Mj ang isang bagay na talagaang maalala kahit na ilang henerasyon pa ang magdaan ay tila nandyan at mananatili ang kanyang musika. Ang napili ko din ay si Mj dahil bata pa lamang ako ay talagang naririnig ko na ang kanyang pangalan hanggang sa lumaki ako ay naririnig ko pa rin ang kanyang mga kanta. Isa din siya sa mga idolo ng aking magulang dahilsa kakaibang talent niya ay tilanapahanga niya ang bawat Pilipino hindi lang ang mga Pilipino kung hindi ang lahat ng tao sa mundo. Siya ay nagging insipirasyon sa mga tao noon dahil sa kanyang mga Kanata na tila nagbibigay ng pag-asa. Kaya para sakin ay ito ang napili ko dahil siya ay nagging isa sa pinakamahalagang tao ng siya’y nabubuhay at hanggang ngayon na siya’y yumao na.

PNoy

Ni Alessandra Simeon

                Napanood ko sa TV Patrol na nasa ospital si Corazon Aquino, asawa ng dating pangulong Ninoy Aquino. Sinasabi ng ibang mamamayan na malapit na siya mamatay. Sa kasamaang palad, nagkatotoo ang kanilang sinabi. Simula palang ng pagkapangulo ni Ninoy, sikat at aktibo na ang pamilyang Aquino sa pulitika. Ang pagkamatay ni Corazon ang nag-udyok kay Noynoy, kanilang anak na lalaki, na tumakbo bilang pangulo ng Pilpinas para ipagpatuloy ang nasimulan na ng Pilipinas.
                Sa eleksyon ng 2010, tumakbo si Noynoy bilang presidente ng Pilipinas. Nakita ko sa telebisyon ang kanyang komersyal kung saan siya ay nakasuot ng dilaw na pantaas. Sa mga kalye naman, may mga nakadikit na poster para lalong makilala ng bayan kung sino nga ba talaga itong si Noynoy Aquino. Sa telebisyon, hindi lang siya ang may mga komersyal, pati na rin ang kanyang mga kalaban para sa nasabing pwesto. Ilan dito sina Manny Villar, Gilbert Teodoro, ang dating pangulo na si Joseph Estrada,  at iba pa. Sa lahat ng kanyang mga kalaban, aking napansin batay sa mga survey, si Villa rang isa sa mga may pinakamalalakas na hatak at impluwensya sa publiko. Sa kabila ng mga panghuhusga ng ilang Pilipino, nanalo pa rin sa eleksyon  at itinanghal na bagong pangulo ng Pilipinas si Noynoy Aquino.
                Narinig ko mismo mula sa aking pamilya at mga kaibigan na nanalo lang si Noynoy dahil anak siya ng dating pangulo at sikat na sikat ang pamilyang Aquino. Ngunit sa kabila ng mapapait na salita ng aking mga kakilala, sa aking palagay, mukha namang ginagawa ni Noynoy ang kanyang tungkulin bilang presidente. Sa umpisa ng kanyang pagkapresidente, marami siyang mga minimithi, malalaman ang mga ito kapag pinanood o pinakinggan ang SONA. Sa tingin ko, maganda naman ang kanyang mga mithiin ngunit kulang ang mga Pilipino ng kooperasyon para maisakatuparan ang mga ito.
                Noong taong 2009, ang bagyong Onday ay tumama sa Pilipinas. Kabilang ako, pati na rin ang aking mga kaklase, sa mga naapektuhan ng bagyong ito. Marami itong kinuhang mga buhay at sinirang mga bahay. Itong pangyayaring ito ay tumatak sa utak ng mga Pilipino. Ang rinig ko sa balita ay gusto ni Noynoy ng zero casualty lalo na kapag may kalamidad. Maraming nagsasabi, kabilang na ako, na maganda raw ang kanyang inaasam ngunit gaya ng nasabi kanina, kulang tayo sa kooperasyon para maipatupad ito.
                Sa aking eskwelahan, ipapatupad na ang pagdagdag ng dalawa pang taon sa high school. Nakaramdam ako ng tuwa dahil hindi ko na ito maaabutan. Maganda nga ito dahil madaragdagan ng oras para magsanay ang mga bata para lalong humusay sa pakikipagsapalaran sa buhay ngunit hindi na ito praktikal. Gaya nga ng sabi ng aking mga kaibigan, ito ay aksaya lang sa pera. Sa halip na makakatapos na sila ng maaga at makakapagtrabaho ng maaga, mapaparami pa ang gastos sa pag-aaral. Kitang-kita na maraming tutol dito pero sa tingin ko, may dahilan naman si Noynoy kung bakit niya pinatupad ang bagong proyekto na ito.
                Isang araw sa aking buhay, nagkaroon kami ng debate ng aking mga kaibigan tungkol sa pagkapresidente ni Noynoy. Lahat ng nasabi sa salaysay na ito ay natalakay naming bilang isang grupo. Napag-usapan naming na sa kabila ng mga taong mapanghusga, sa aking palagay ay ginagawa naman ni Noynoy ang kanyang tungkulin bilang pangulo. Kailanga lang talaga ng mga Pilipino ng kooperasyon at tiwala sa presidente para tuluyang umunlad ang ating bansa.

Ang hagupit ni Ondoy.


Isinulat ni Amanda Alfonso
 
            Galit na nga ata talaga ang Inang kalikasan sa atin dahil sa kapabayaan ng taong bayan. Halos buong Luzon ay nalubog sa baha, maraming tao ang nawalan ng tahanan at mga mahal sa buhay. Malaki na ang utang natin sa kalikasan. Kung hindi pa tayo kikilos, mas lalo tayong mag hihirap.

Setyembre 26, 2009 ang isa sa mga araw na talaga namang hindi makakalimutan sa kasaysayan ng Pilipinas, dahil ito ang isa sa mga pinaka masamang araw, pagkatapos na malubog ng halos lahat ng bahagi ng Metro Manila at Rizal sa baha. Ang bagyong Ondoy o Ketsana ay nag buhos ng tatlong daan, tatlumpu’t apat higit sa apat na daang millimeters na tubig ulan. Ito na ata ang pinaka mataas simula 1967.
            Alas kwatro ng madaling araw nang magising ako sa lakas ng ulan at ihip ng hangin. Binuksan ng nanay ko ang telebisyon upang makinig ng balita. Laking tuwa ko dahil suspendido raw ang klase nung araw na yun. Bumalik ako sa kwarto at ako ay natulog ulit dahil alam ko namang pag gising ko ay matatapos na rin ang ulan, ngunit ako ay nagkamali. Nagising ako na malakas parin ang buhos ng ulan at hangin. Sumilip ako sa bintana namin upang tignan kung tumataas na ba ang tubig sa marikina river. Laking gulat ko nang makita ko ang tubig na halos kapantay na ng mga bahay. Ngayon lang ako nakakita ng ganung pangyayari. kinabahan ako at nalungkot dahil iniisip ko rin ang mga taong nakatira sa mga bahay na yun. Iniisip ko kung san na sila tumira, at kung may mga gamit ba silang nasagip.
           
            Noong mga panahong iyon, nakakaawang isipin na maraming tao ang naghihirap at ako naman ay nakakakain pa at nakakapanood pa ng telebisyon. Naisip ko nalang na baka iyon na ang pahiwatig sa atin ng Inang kalikasan. Na dapat ay kumikilos na tayo para sa kabutihan ng mundo at hindi para sa kasamaan nito. Ang Ondoy na siguro ang magsisilbing “wake up call” hindi lang sa ating mga Pilipino, kundi na rin sa lahat ng tao, na dapat ay pangalagaan na natin ang kailkasan at bigyan ito ng importansya.

Ang Pahagupit ng Sunod-Sunod na Trahedya: Tulong Maasahan pa ba?

Isinulat ni: Karol Pauline A. Almero



     Isang araw nagkakagulo sa Evacuation Center sa Nueva Ecija dahil ang mga tao duon ay wala nang makain at marami naring taong nagkakasakit. Sinasabing ang dahilan kung bakit naruruon sila ay dahil sa mga bagyong dumaan sa kanilang lalawigan kabilang na ang dalawang malakas na bagyo na pinangalanang "Pedring" at "Quiel". Ang mga bagyong iyon ay sinasabing hindi lamang dumaan, pero sinira din ang kanilang tirahan at ang kanilang hanapbuhay. Itong mga trahedyang ito ay nangyari sa mga taong naroroon sa Nueva Ecija na hangang ngayun umaahon parin dahil sa hindi pangkaraniwang pangyayaring ito. Isa sa mga taong ito ay si Anna, isang batang babae na nakalikas bago pa tuluyang malubog sa tubig baha ang kanilang tinitirahan. Bagamat nakakalungkot man isipin  ay hindi nakaligtas ang iba sa kanyang mga kapitbahay. Ang buhay ni Anna bago ang pangyayaring ito, si anna ay isa sa mga batang namumuhay nang tahimik sa Nueva Ecija at isa sa mga batang hindi inaasahan ang mga panyayaring na nagdulot nang kalunglutan o trauma sa buhay niya. Si Anna ay isa rin sa mga halimbawa nang mga nagdurusa dahil sa trahedyang ito at isang batang walang alam sa kung anung nangyayari sa paligid niya o innocente.
  
     Ang mga bagyong ito ay nagdulot nang madaming kamalasan o di naman hindi inaasahang mga pangyayari. Iba't ibang tao ang nadadamay na nagreresulta sa kanilang paglisan sa tirahan nila. Pero may mga iba na hindi maiwan iwan ang kanilang mga bahay na nagreresulta sa conclusyon na, ang iba ay hindi sumasama sa pagpunta sa evacuation center nang lugar nila at naiiwan sila duon, na nagdudulot nang pahirapan sa pagsasalba nang buhay dahil hindi malaman nang magsasalba kung dapat ba silang isalba o hindi at iyon ay isang pagaaksaya nang oras nila para isalba ang mga taong talagang nangangailangan nang tulong o mga taong may kailangan nang tulong.
  
     Ang evacuation center na iyon ay sinasabing isang ligtas na lugar na ginawa para sa mga di inaasahang pangyayari na kasangkot ang inang kalikasan. Marahil ayaw na nang mga tao doon, dahil sa kanilang kinalalagyan o ayaw na nila sa evacuation center dahil pinagsiksikan sila ruon, pero ito ay para narin sa ikakabuti nila. Kahit na alam natin na hindi ganoon kabuti  ang situasyon nila duon pero alam naman nating o nila na ligtas sila at alam nang mga tutulong sa kanila na naruon sila at naghihintay nang tulong.
  
     Sa mga panahong ito parang wala nang pag-asang may tutulong pa sa kanila pero kahit ganoon hindi parin sila sumusuko sa paghingi nang tulong dahil alam nilang may darating na tulong para sa kanila. Nagkaroon nang melagro, noong mga panahong iyon si Pangulong Benigno III ay nasa Japan para humingi nang tulong sa kanila. Ang Japan naman ay masayang tumulong sa Pilipinas at bibigyan si pangulong noynoy nang tatlong bilyong piso kahit na bumabagon parin sila dahil sa tsunaming nagdulot nang pagkawasak nang isa sa mga bayan nila. At nang makabalik naman siya ay kumilos kagad siya para matulungan ang mga ito.

     Ang mga residente duon ay patuloy na bumabangon at sila ay hindi susuko sa mga pangyayari na iyon at ngayon ay nagpapasalamat na kahit papano may tutulong papala sa kanila.

Pangatlong kasarian: tama ba o kamalian? (Nya Cagampan IV-2)

Isinulat ni: Nya Cagampan


   Matalim na nakatingin ang mga nakausling mata ni Dina sa isang di kapansin pansin na magsyota sa unibersidad na nakaupo sa sahig ng kalat na kulay berdeng-lupa na damo. Dito naisip ni Dina kung gaano kaswerte ang magsyota na iyon dahil tanggap sila ng buong buo ng siyudad at walang alitan na nagaganap sa pagkatao nila. "Sana ako rin ganun" napabigkas si Dina sa sarili habang pabalik na sa silid aralan na kanyang pinapasukan,. Pagkalapat ng libro sa mesa at pagkatapos magayos ng kwelyo ng kanyang bagong itaas na kasuotan, humarap si Dina sa lugar kung nasaan kayang kausapin ng masinsinan ang matagal na niyang minimithi na si Encarnacion na tinatawag sa piling palayaw na Batsy dahil sa kanyang maeskinitang korte at matinis na boses na kaparehas lang ng pisikal na anyo ng isang "bat" o di kaya'y isang paniking nakadungaw sa malalim na kweba na tulad niya'y patago ang buhay sa lahat ng nakakasalubong sa kanya. 

"Hi Batsy! Kamusta ka na?" 
"Maayos naman ako. Ikaw din, ano nang bago na nagaganap sa buhay mo?" 
"Wala naman. parati pa rin ako nagiisa tulad ng dati. gusto ko na ngang.." 
"Anong gusto mo din?"
"Wala. Wala akong gusto. Ikaw gusto ko! Joke lang. Haha. Kala mo naman batsy." 
"Haha pambihira ka talaga din. Hindi ka na talaga nagbago."
"Bakit? Masama ba?"
"Hindi, hindi sa ganun. Kala ko lang kasi nagbago ka na. Hindi pala. Buti nga para sayo yun e kasi kontento ka na sa buhay mo!" 

   Biglaang sumigaw ng malakas na kampana ang bell at ito ang nagsimbolo na tapos na ang heograpiya at susunod na ang theology. hindi na lumipat ng kwarto si Dina dahil parehas lang ang silid aralan na gagamitin habang naman si Batsy ay humiwalay sa kanyang upuan at tumabi sa Dinang nakatulala sa langit.

"Hoy dina! gumising ka nga sa panaginip mo! may sasabihin daw si mam pathupat sa klase." 

   Dumilat ang matang nakahukay ni Dina at nakinig sa panig ni mam Pathupat. "Class, kailangan ninyong maghanap ng isang theology partner na makakasama ninyo ng dalawang buong semesters. Pumili kayo ng taong kaya niyong makasama ng pangmatagalan. Yung taong kaya kayong pasayahin sa mga bagay na nagpapabigat sa inyong damdamin. maghanap kayo ng taong magdadala sa inyo ng sigla para magawa ang mga bagay bagay. Ngayon, bnibigyan ko na kayo ng oras para mamili kung sino ang magiging partner ninyo. go." 

   Sa isang iglap, nagkasalubong ang mga mata ni Dina at ni Batsy. Wala ng lumabas na salita para makumpirme kung sila na nga ba ang magpartner. alam nalang nila sa puso't isipan nila na sila na nga. Lumipas ang maraming buwan ng masagang sipag at tuluyang tiyaga na nagpalapit sa dalawang magkaklase. Ngunit, may isang araw nalang na biglang pumasok si batsy na may kahawak ng kamay na isang lalaking batak ang katawan at kasinggaspang ng alambre ang boses. natameme si Dina. hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Batsy sapagkat alam naman nilang dalawa na bawal magpalit ng partner kung nakapili ka na. pero, iba pala ang ang hiling ni batsy na mas malala pa sa digmaan ng Pilipinas at Espana. 
"Dina, pwede bang sumali muna si Ronald sa grupo natin? Bagong lipat lang kasi siya ng unibersidad kaya kung pwede, dito muna siya magtrabaho kasama tayo. Okay lang ba sayo? " 
"Oo", matamlay na pawalangbahala na sagot ni dina. 
"Tsaka nga pala Dina, pakilala kita. Ronald, si Dina, matalik kong kaibigan. Dina, si Ronald, kasintahan ko noong third year hayskul pa lamang kami." 

   At dito, gumuho ang langit sa mababaw na hinihiling ni Dina sa buhay. Hindi nagtagal at iniwan ni Batsy si Ronald para kay Dina. Nagusap sila ng masinsinan na nagdala ng mabigat na lumbay sa humihikbing puso ni Ronald. Samantalang nagtagal naman ang dalawang magkasintahan sa hirap at ginhawa hanggang dumating sila sa punto na gusto na nilang magpakasal. Dahil hindi pwede sa Pilipinas ang proposisyon eight, lumipat ng tirahan sila Dina sa Estados Unidos dahil pumayag na ang gobyerno ukol dito. Sa Manhattan ng New York City sila nagpakasal noong mayo 2011 na ikinagalak naman ng kaluluwa nila. Natuloy ang mahiwagang kasal at ngayo'y sila ay habang buhay magkasintahan nakatira sa isang paradisong puno ng kontentong emosyon. .  

   Tunay nga na magiting ang relasyon nila Dina dahil dito napamahala ang tunay na pagmamahal sa isang tao na nangibabaw sa lahat, lalong lalo na sa isyu ng kasarian. Hindi naman masama magmahal ng taong kauri mo eh, Basta mahal mo ng buong puso ang taong iyon, wala ng hihigit pa na mas makatwiran na rason para mabuhay ng masagana at mapayapa.          

Ondoy

Ni Angela Leyba

    Ondoy. Ang pangalan ng bagyong sumira sa madaming bahay at kagamitan ng mga Pilipino at kumitil sa buhay ng mga ibang mamamayan.
Dalawang taon na ang nakaraan noong maranasan natin ang bagyong Ketsana o mas kilala sa ngalan na Ondoy. Noong Setyembre 26, 2009 ang kasagsigan ng bagyong Ondoy. Ang ulan na ibinigay satin ng bagyong ito ay katumbas ng mga ulan na ating nararanasan sa loob ng isang buwan. Ito ay sinasabing ang pinaka malalang pagbaha ng Maynila sa loob ng 42 na taon. Madaming lugar ang naapektuhan at lubusang nabaha kabilang na dito ang Quezon City, Taytay Rizal, Marikina City, Ortigas Extension, Pasig City at iba pang parte ng Luzon. Ayon sa mga balitaan, mahigit 73 katao ang namatay at higit kumulang 300 000 tao naman ang nasiraan, binaha at nawalan ng tinitirhan.

Noong umaga ng Setyembre 26 at idineklarang walang pasok ay tuwang tuwa ang estudyanteng si Amanda. Akala niya ay normal na bagyo lamang ito at normal na suspensyon ng klases. Ngunit doon siya nagkamali. Sa bahay ay doon siya ay natulog buong umaga at naglaro lamang ng kanyang mga gadgets. Ipinagdasal pa niya na magpatuloy tuloy ang ulan sapagkat hindi niya inisip na mayroong iba mga nasalanta ng tuloy na tuloy na pagbuhos ng ulan.
Pagkaraan ng gabi ay hindi parin umuuwi ang kanyang mga magulang. Dahil walang pakialam sa nangyayari at hindi nanunuod ng mga balitaan ay walang kaalam alam si Amanda sa mga nangyayari sa labas ng kanyang kwarto. Tinawagan niya ng tinawagan ang kanyang mga magulang. Siya ay nahirapan sila makontact sapagkat madaming mga nawalan ng koneksyon at kabilang na doon ang opisina nila na nasa may bandang Maynila. Na-stranded pala ang kanyang magulang at hindi makalabas ng building ng opisina.
Napagtanto ni Amanda na nagkakagulo na at nagsimulang mag alala. Dahil ang kanilang bahay ay nasa mataas na lugar sa Mandaluyong ay wala silang pinsalang nadama. Binuksan niya ang telebisyon at nagulat sa mga pangyayaring nasaksihan; baha baha sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, madaming mga nawawala, merong mga namatay at ang ibang nakatira sa may bandang Marikina at Pasig ay wala nang matirhan at ang iba ay nasa taas na ng bubong ng kanilang mga bahay.
Kinabukasan ay nakauwi na ang kanyang magulang at ikinwento sa anak ang nangyari sakanila. Na-guilty siya sapagkat hindi niya inakalang ganoon ang mangyayari hindi lang sa kanyang magulang kundi pati sa mga sambayanag Pilipino.
Pagkaraan ng kasagsagan ng bagyo ay sumali si Amanda at ang kanyang magulang sa mga rescue missions ng RedCross at nag bahagi ng donasyon ang kanyang pamilya sa mga nasalanta. Natutunan ni Amanda ang iba’t ibang bagay sa buhay. Natutunan niyang magkaroon ng pakialam sa mga nangyayari sa mundo, magdasal para sa ikabubuti ng lahat at tumulong sa mga taong nangagailangan ng tulong.

Martes, Oktubre 4, 2011

PNoy: Tagumpay sa Eleksyon

  By: Elynne Bernice Del Rosario

            Mayo 10, 2010. Alas otso ng umaga. Sa aming tahanan at sa bahay ng aking mga kamag-anak. Kagulat-gulat na para sa akin na magising ng ganoon kaaga. Minsan lang mangyari iyon sa mga araw ng bakasyon ko. Pero, sa palagay ko, alam ko na kung ano talaga ang dahilan nito. 
          Noong nakaraang mga araw bago ang eleksyon mismo, mangilang beses ako nagtatanong sa inay ko at sa mga tita ko at ilang pinsan na boboto kung sinu-sino iboboto nila, particular na sa president. Tuwing tatanungin ko, ang sagot nila parati ay, “’Di ko pa alam eh. Iniisip ko pa kung si Noynoy o si Gibo.” Kaya ang naisip ko lang, hindi pa talaga sila sigurado sa desisyon nila. Kaya hindi ko rin naman pinipilit.
          Noong dumating na ang araw, nagtanong muli ako, sa pag-isip na siguro naman ay sigurado na sila. Ngunit, kung kalian araw na ng eleksyon, saka nila hindi sasagutin ang tanung ko. Umalis nalang sila ng sabay sabay at tumungo na sa pinakamalapit na pampublikong paaralan kung saan ginanap ang botohan.
          Sapagkat makabagong panahon na ang kinakaharap natin ngayon, ang Eleksyon 2010 ay ang pinakaunang eleksyon sa kasaysayan ng Pilipinas na “automated,” o paggamit ng mga “computer-generated” na mga makina para mapabilis ang pagbilang sa mga boto. Dahil sa laki ng populasyon ng bawat lalawigan at siyudad sa Pilipinas, tuwang tuwa naman ang lahat ng malamang ganitong sistema ang susundan sa pagboto, at pabor naman sila kung titignan. Kahit na strkto ang pagsunod sa mga panuto sa paggamit ng kagamitan pang-eleksyon, madali naman na tinuruan at sinunod ng taong-bayan ang mga ito. Kaya sa huli, bagamat maraming problema ang umusbong, natapos ang Eleksyon 2010.
          Dalawang linggo naghintay ang lahat para sa resulta ng botohan. Dalawang linggo sapagkat marami ring inayos na mga problema ang mga kinatawan sa pagbibilang ng mga boto. Kahit na “automated” ang botohan, may mga isyu ng pandaraya pa ring naganap na hindi maaaring palampasin at kailangang aksyunan kaagad. Pero sa huli, naging maayos ang lahat at natapos na rin ang bilangan.
          Inabangan ng lahat ang resulta ng botohan. Sa mga balita sa telebisyon man o sa radyo, tutok na tutok talaga sila.  Tuwing nakikita nila na nangunguna ang kanilang mga binoto, sila’y napapangiti at nagagalak.
At sa huling araw ng bilangan, nang inanunsyo na ang mga nanalo, sabay-sabay nagdiwang ang bawat Pilipino. Bawat isa sa kanila’y tuwang tuwa sapagkat naniniwala sila na ito ang simula ng pagbabago sa gobyerno ng Pilipinas dahil buo ang tiwala nila sa bagong nanalong presidente na si Benigno Aquino III. Para sa kanila, isa itong panahon ng muling pagbangon sa kahirapan at isang munting pag-asa upang makaangat sa ekonomiya at magbago ang pananaw sa buhay. Bagamat nadismaya ang karamihan dahil sa naging resulta, siguradong maiintindihan nila ito dahil naging patas naman ang botohan. Balang araw, matatanggap rin nila ito at patuloy sa pamumuhay. Kung sa bagay, kinabukasan din naman nila ang nakasalalay sa pagbabagong ito.
Lahat naman tayo ay naghahangad ng pagbabago sa ating bansa. Ang Eleksyon 2010 ay isa nang halimbawa ng malaking pagbabagong nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Para sa atin, mahalaga na ang pangyayaring ito sapagkat noon pa natin hinahangad na magkaroon ng bagong tapat at mahusay na presidente. At ngayong nakamtan na natin ito, sana naman ay patuloy ang pagsunod at pasuporta natin sa bago nating presidente. Pahalagahan naman natin ang bawat bagay na ginagwa niya para sa atin. Sa bawat pagsubok na kanyang kinakaharap, sana naman ay tumulong na tayo at magkaisa para sabay-sabay natin harapin ang mga ito at pagtagumpayan ito. Huwag sana nating sayangin ang boto natin.